𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang trentay nueve anyos na construction worker matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ang suspek ay nakilalang si Russel Torio, residente ng bayan ng Mangaldan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas singko ng madaling araw sa brgy mayombo na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang Sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng ₱34,000 kasama pa ang Isang caliber 38 revolver at apat na bala nito.
Hawak na ngayon ng PNP ang suspek at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments