𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗣𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗬𝗟𝗦𝗜𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔

Pabor ang ilang pangasinense lalo na ang magulang ukol sa pagpapatupad na rin ng PSA na makapag-parehistro ng Philsys ID ang mga batang nasa edad isa hanggan apat na taong gulang.

Ang ilan sa kanila, sinabing maganda umanonna makapagparehistro ang kanilang anak habang bata pa nang sa gayon ay mabigyan din ang mga to ng official ID na maaari nilang magamit kung sakali.

Layonn naman ng PSA na maibahagi ang kanilang serbisyo hanggang sa mga menor de edad na nangangailangan na rin ng government ID.

Samantala, sa pagpaparehistro naman sa mga bata, kailangan ng magulang o guardian na rehistrado na rin ng Philsys kung saan kanila ring ipepresenta dahil ang magiging Philsys number o permanent identification number na magegenerate sa bata ay ililink sa accompanying parent o guardian nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments