𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗦𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pagpapakamatay ng isang lalaki sa bayan ng Sison.

Nakita ang biktima na nakabigti sa ilalim ng puno ng mangga sa kanilang lugar na may nakataling lubid sa leeg at isinabit sa sanga ng puno.

Blangko pa ang pamilya sa motibo ng biktima sa pagpapakamatay bagamat patuloy ang imbestigasyon dito.

Nakatakda ring isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima na una nang natuklasang walang senyales ng foul play sa kanyang pagpapakamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments