𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Pinag-iingat ngayon ang mga bibisita sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan, tulad na lamang sa mga simbahan, karagatan, at iba pang pilgrimage sites ukol sa nararanasang mainit na panahon ngayon.

Ayon sa tala ng PAG ASA, kamakailan ay pumalo sa 42° Celsius ang naramdamang init sa lalawigan habang naglalaro mula 39° hanggang 40° Celsius noong nakaraang linggo. Ayon pa sa forecast ng PAG ASA, matinding init na panahon ang aasahan.

Kaya naman, todo ang pagpapaalala ng Department of Health Center for Health and Development Ilocos Region ukol sa pag-iwas sa magiging epekto ng mainit na panahon tulad na lamang ng palagiang pag-inom ng tubig, pagkain ng masustansyang pagkain tulad ng mga mayaman sa potassium, magsuot ng komportableng damit, magdala ng panangga sa init, at ang pag-iwas sa pagsasagawa ng mabibigat na gawain o aktibidad tuwing alas onse hanggang alas kwatro ng hapon.

Samantala, pinaalalahanan din ang mga may karamdaman na panatilihin ang magandang kalusugan at huwag kaligtaan inumin ang mga maintenance medicine.

Umaasa naman ang hanay ng kalusugan na walang maitatalang insidente ng hindi magandang pangyayari ang maitatala sa paggunita ng semana santa kasabay ng nararanasang mainit na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments