𝗢𝗖𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Nagsagawa ng isang ocular inspection ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa ilang business establishment na posibleng dayuhin ng mga bibisita sa oras na sumapit na ang Semana Santa.

Bahagi ang naturang pag-iinspeksyon na ito para sa paghahanda sa darating na Mahal na Araw lalo at isa ang lungsod ng Alaminos sa dinadayo rin ng mga turista at iba pang bisita sa karating bayan dahil sa mga pamosong tourist destination nito tulad ng Hundred Islands.

Nito lamang, ininspeksyon ng Inspection Team ang Bolo Beach at Mangrove Business Establishments para masiguro ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng bibisita at maging mga kababayan din nilang magbabakasyon.

Samantala, nakitaan naman na ang ilang tourist destinations sa naturang lungsod tulad ng beaches ang unti-unting pagdagsa na mga mga bumibisita simula pa noong nakaraang linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments