Tuesday, March 10, 2026

‎𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗘𝗡𝗘𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗔𝗔𝗣

‎‎Cauayan City – Nagpakitang-gilas ang defending champion na National University matapos walisin ang Ateneo de Manila University, 25-18, 25-18, 25-15, sa UAAP Season 88 women’s volleyball tournament na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Pinamunuan ni Evangeline Alinsug ang opensa ng Lady Bulldogs na nagresulta sa kanilang ikalawang sunod na panalo at 5-1 rekord, sapat upang manatili sa ikalawang puwesto sa team standings sa likod ng De La Salle University na may 5-0 karta.

Nakatakdang magsagupa ang NU at DLSU sa darating na Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa inaabangang laban ng dalawang nangungunang koponan.

‎Sa hiwalay na laban, nanaig ang Far Eastern University laban sa University of the Philippines sa iskor na 25-13, 25-21, 25-16.

‎Pinangunahan ni Alyzza Gaile Devosora ang Lady Tamaraws sa kanyang 15 puntos upang makuha ang 4-2 rekord at ikatlong puwesto sa standings.

Facebook Comments