𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗞 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗧𝗨𝗦𝗦𝗜𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗢𝗠𝗘𝗡𝗗𝗔

Inirerekomenda ngayon ng isang Infectious Disease Expert ang pagsusuot ng face mask ng publiko dahilan ang nakikitang tumataas na kaso ng Pertussis o whopping cough.

Ang Pertussis o whooping cough (‘ubong-dalahit’ or ‘tuspirina’ sa Filipino) ay isang nakakahawang impeksyon dulot ng mikrobyo na maaaring kumalat o maisalin sa pamamagitan ng respiratory droplets.

Ayon kay Philippine College of Physician Department President Rontgene Solante, delikado ang pertussis lalo na sa mga batang isang taong gulang at hindi bakunado.

Ayon din sa pamunuan ng Department of Health (DOH), hinikayat ang publiko na magpabakuna bunsod na rin ng biglaang pagtaas pa ng kaso ng tigdas, mga sakit parehong magdulot ng pagkasawi.

Matatandaan na nauna nang iniulat ng World Health Organization (WHO) na lagpas kalahati ng lahat ng bansa sa mundo ang magiging “high risk” sa tigdas bago matapos ang 2024.

Sa lalawigan ng Pangasinan, kailan lamang ay nakapagtala na ang DOH-CHD 1 ng isang kaso ng Pertussis.

Bagamat nagagamot ng antibiotics ang naturang sakit, ay mariin pa ring pinag-iingat ang lahat at hinihimok na tumalima sa mga minimum health protocols. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments