𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗠𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Kasalukuyang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang hanay ng PNP Pangasinan sa pangunguna ni PCol Jeff Fanged, Provincial Director ng PNP Pangasinan, kaugnay sa sinasabing pagdampot sa dalawang Kabataan leader sa San Carlos City.

Usap-usapan kasi sa social media ang sinasabing sapilitang pagdampot at pagsakay sa SUV ng mga hindi pa matukoy na mga kalalakihan sa mga Kabataan leader na sina Eco Dangla at Jak Tiong sa bahagi ng San Carlos City noong linggo ng Gabi.

Sa ngayon ay nag-iimbestiga pa ang mga kapulisan sa nasabing lungsod maging ng provincial command upang malaman kung sino nga ba ang nasa likod ng sinasabing pagdakip sa dalawa.

Sa ngayon tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng PNP pangasinan sa ibang ahensiya ng pamahalaan para sa agarang pagkakakilanlan ng mga sinasabing responsable na kumuha sa dalawa at sa agarang paglutas ng kaso, habang tinitignan lahat ng mga posibleng anggulo upang malaman at matukoy ang dahilan ng pagkuha sa mga ito.

Umaasa naman ang mga kaanak at kaibigan ng mga ito na sila ay makikita sa lalong madaling panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments