𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗨𝗗𝗢, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Sasalubong ngayong Semana Santa ang malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo.

Kasado na sa merkado ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa Diesel na inaasahang nasa P2.20, ang Gasoline, may umento rin na P1.40 habang ang Kerosene, may pagtaas din na P1.30 sa kada litro ng mga nasabing produkto.

Inaasahang naimplementa ng ilang oil companies ang price adjustments kahapon, March 25.

Samantala, matatandaan na noong mga nakaraang linggo umiral naman ang dagdag bawas kung saan nasa 10 cents ang ibinababa at itinaas sa per liter ng parehong Diesel at Gasoline na walang paggalaw sa Kerosene. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments