𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗭𝗨𝗠𝗕𝗔 𝗗𝗘𝗖𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗘𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Matagumpay na isinagawa ang Zumba December 2023 Edition na dinagsa ng mahigit 200 participants and Zumba enthusiast mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya ng Pangasinan na ginanap sa Lingayen Capitol Beach Park nito lamang nakaraang December 3 ngayong taon.
Ang nasabing aktibidad ay bilang bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Pangasinan Zumba Instructor Association at sa pangunguna rin ng Pangasinan Provincial Tourism Office.
Energetic at makukulay rin ang mga Zumba attires ng mga idol nating nakilahok at nakisayawan sa nasabing aktibidad. Mapababae man o lalaki, mapabata man o matanda ay hindi nagpatalo sa pagsayaw.

Malaking tulong ang pagzuzumba lalo na sa ating pangangatawan dahil isa ito sa paraan upang makapag ehersisyo lalo na sa mga matatanda na. Kaya naman, mula rito sa IFM DAGUPAN, Congratulations sa matagumpay na aktibidad mga idols. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments