𝗣𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗜𝗡𝗜𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Tinotonton sa kasalukuyan ng tanggapan ng San Jacito Police Station ang nagpost tungkol sa panghaharang umano ng ilang kalalakihan sa Gonogong Bridge, Brgy. Lobong, sa naturang bayan, matapos magdulot ng takot sa mga residente.
Ayon sa post, galing umano sila ng town proper at hinahanap ang direksyon papuntang Brgy. Lobong. Di umano pagdating sa may bang tulay ng Gonogong ay hinarang sila ng ilang kalalakihan at dahil may kasabayan na sasakyan ay tumabi lang din umano ang mga ito. Sa salaysay naman ng isang residente mayroong insidente na hinarang umano ang isang estudyante ngunit nakatakbo.
Patuloy ang imbestigasyon kung may katotohanan ba ang masabing insidente.Kaugnay nito, mas pinaigting ng awtoridad ang police visibility sa lugar at patuloy na nagsasagawa ng patrolling at checkpoint sa lugar*.*
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments