𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗕𝗥𝗔

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang tumalikod sa armadong pakikibaka ang isang dating kawal ng Militia ng Bayan at sumuko sa mga miyembro ng 102nd Infantry Battalion sa Lapat-Balantay, Tineg, Abra.

Ang sumuko ay si alyas Mars, 64, residente ng naturang bayan.

Isinuko rin nito ang kanyang mga gamit pandigma na kinabibilangan ng baril, magazine, at mga bala.


Ang matagumpay na pagsuko ni alyas Mars ay nagpapakita ng opektibong kampanya ng military at pulisya kontra insurhensya.

Facebook Comments