𝗠𝗜𝗡𝗔𝗡𝗧𝗘 𝟮 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗠 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗬𝗥𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Cauayan City – Puspusang pinaghandaan ng mga estudyante mula sa Minante 2 Elementary School ang Drum and Lyre competition ngayong araw ika-10 ng Abril, para sa Gawagaway-yan Festival 2024.

Sa naging panayam ng iFM News Team kay Ginang Venus Leizel Acoba, head coach at guro mula sa Minante 2 Elementary School puspusan umano ang paghahandang ginawa ng mga mag-aaral sa naturang kompetisyon.

Ayon kay Ginang Acoba, maghapong pag-eensayo ang inilaan ng mga mag-aaral sa mga nakalipas na linggo, hindi naman umano apektado ang pag-aaral ng mga estudyante kahit na may ensayo ang mga ito dahil nagagawa at natatapos naman ng mga bata ang mga aktibidades at exam.


Dagdag pa rito, buong suporta naman ang ibinigay ng mga magulang, mga barangay officials, maging ang mga trainors sa pagsabak ng mga estudyante sa naturang aktibidad.

Magsisimula naman ang naturang kompetisyon ngayon araw bandang alas-sais ng umaga sa Sports Complex sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments