10 high profile inmates sa New Bilibid Prison  inilipat sa kustodiya ng Phil Marines

Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Marines ang sampung high profile inmates ng New Bilibid Prison.

 

Ayon kay Capt. Felix Serapio Jr., Director ng Marine Corps Public Affairs Office, inilipat sa Philippine Marine Corps Barracks Rudiardo Brown sa Fort Bonifacio, Taguig ang sampung high profile nitong June 12, 2019.

 

Isa sa mga inilipat ay si Wu Tuan Yuan alyas Peter Co, na nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa illegal drug trade noong 2001.


 

Pinangalanan din siya ni Pang. Duterte bilang isa sa mga matataas na drug lord na nagsu-supply ng shabu sa China at Pilipinas.

 

kabilang rin sa mga inilipat sa Philippine Marines sina

 

Vicente Sy, Hanz Tan, Jose Chua, Froilan Trestiza, Jojo Baligad, Allan Sinugat, Nonito Arile, Joel Capones at Rico Caja na nakakulong dahil sa iba’t ibang kaso.

 

Sina Peter Co at Vicente Sy ay kabilang sa tinaguriang Bilibid 19.

 

Sa bisa ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Justice at Department of National Defense nailipat ang mga high profile inmates.

 

Sinabi ni Serapio ang  Bureau of Corrections pa rin aniya ang nakatalaga sa seguridad ng high-profile inmates, habang support group lamang ang Marines.

Facebook Comments