Grupo ng mga magbubukid, magpapatuloy ang laban kahit mabasura ang appointment ni Agrarian Secretary Rafael Mariano

Manila, Philippines – Magpapatuloy ang laban ng mga magsasaka kahit pa hindi paburan ng Commission on Appointment si Agrarian Secretary Rafael Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform, ito ang sinabi ni Tonying Flores, Secretary General ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Ayon kay Flores, hindi magbabago ang kanilang kampaniya na palakasin ang mga adbokasiya ng kanilang hanay, kabilang ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Magpapatuloy rin aniya ang kanilang mga pagkilos kontra sa mga hacienda, plantasyon, at naglalakihang minahan sa bansa.


Gayunpaman, mas mapapadali aniya ang kanilang kampaniya kung nananatili ang kalihim sa pwesto dahil may mga isinusulong itong programa na pabor sa mga mahihirap at magsasaka.

Facebook Comments