10 milyong mahihirap na Pilipino, posibleng maagang makaahon sa kahirapan kung magpapatuloy ang magandang employment rate sa bansa — DOF

Tiwala ang Department of Finance (DOF) na maaabot pa rin ng Pilipinas ang target na maibaba sa siyam na porsyento ang antas ng kahirapan pagsapit ng 2028.

Ito ay makaraang maitala ng bansa ang pinakamataas na employment rate at pinakamababang unemployment rate ngayong nagdaang buwan ng Hunyo.

Batay sa Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), 96.9% ang employment rate sa bansa o katumbas ng 50.3 million na Pilipinong kasalukuyang may trabaho.


Habang bumaba naman sa 3.1% ang unemployment na nasa 1.6 million lamang at pinakamababa mula noong December 2023.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, patunay ito na epektibo ang kanilang mga ginagawa para maiahon sa kahirapan ang nasa sampung milyong pamilya bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ipinagmalaki pa ng kalihim na posibleng magawa ito nang mas maaga kumpara sa inaasahan na pagsapit ng 2028.

Facebook Comments