10 New COVID-19 Cases, 16 Recoveries, Naitala sa Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng sampung (10) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lambak ng Cagayan at labing anim (16) na nakarekober.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 10 new COVID-19 cases, apat (4) ang naitala sa probinsya ng Cagayan at anim (6) sa Isabela.

Habang anim (6) naman ang bilang ng mga gumaling mula sa Cagayan, walo (8) sa Isabela, tatlo (3) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.


Ang Lalawigan ng Cagayan ay mayroon ng 876 na total confirmed cases at 154 rito ang aktibo, 1,670 sa Isabela, 17 ang active cases; 643 ang total cases ng Nueva Vizcaya, 16 ang natitirang active cases habang wala ng kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Quirino at Batanes.

Sa kasalukuyan, aabot sa 3,364 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Rehiyon dos, 412 rito ang aktibo, 2,902 ang total recovered cases at 50 naitalang total deaths.

Facebook Comments