100 milyon COVID-19 vaccination, target ni President-Elect Joe Biden sa kanyang unang isang daang araw

92

Target ni President-Elect Joe Biden na makapagbakuna ng 100 milyong COVID-19 doses sa kanyang unang isang daang araw bilang bagong Pangulo ng Estados Unidos.

Ayon kay Biden, maglalatag siya ng estratehiya sa oras na maupo siya sa pwesto at babaguhin ang administrasyon ni US President Donald Trump sa paglaban sa nasabing sakit.

Maliban dito, prayoridad din ni Biden ang pagbabalik-eskwela ng mga bata sa kanilang bansa.


Matatandaang una nang tinarget ni Trump na mabakunahan ang halos 24 milyong residente ng Estados Unidos sa kalagitnaan ng buwan ng Enero.

Facebook Comments