Pangungunahan ang aktibidad ni DENR Regional Director Gwendolyn Bambalan na lalahukan ng lahat ng empleyado ng DENR sa Cagayan Valley.
Nakasaad sa Memorandum Order na ang bawat empleyado ay magtatanim ng hindi bababa sa limang punla ng puno
Ayon kay Bambalan, mahigit sa 2,000 planters/participants ang inaasahang sasali sa aktibidad kabilang ang ilang kinatawan sa mga Local Government Units (LGUs), national government agencies, non-government organizations, uniformed personnel, youth, academe, media, at iba pang partners at stakeholders.
Maliban dito, magsasagawa rin ng iba pang aktibidad gaya ng environmental symposiums, youth camps, clean-up drives, press briefing at radio guestings, regional sports fest at team building, seedling production at pamamahagi ng mga punla at impormasyon, edukasyon at communication materials.