SUV driver na nanagasa ng security guard, inisnab ang LTO

440

Inisnab o hindi sinipot ng driver ng SUV na nanagasa ng security guard sa Mandaluyong City ang ginawang special hearing ng Land Transportation Office (LTO) ngayong araw.

Dumalo naman sa pagdinig ang 157 Raptor Agency Operation Manager na si Chrisbern Soriano.

Ayon kay Soriano, inaasikaso muna nila ang kapakanakan at paggaling ng kanilang tauhan at hindi rin naman nabanggit nito kung nakikipag-areglo ang kampo ng SUV driver.


Halos dalawang oras na nag-abang ang ilang miyembro Inteligence and Investigation Division ng LTO, mga media, at kinatawan ng 157 Raptor Agency sa naturang suspek, ngunit bigo itong sumipot sa pagdinig.

Dahil dito, muling sisilbihan ng show cause order ng LTO ngayong araw ang SUV driver.

Ayon kay Renante Militante, Officer-In-Charge ng Intelligence and Investigation Division ng LTO, itatakda ang pinal na pagdinig sa kaso sa Biyernes, June 10 ng ala-1:00 ng hapon.



Sakaling muling hindi sumipot ang SUV driver, tuluyan na siyang tatanggalan ng lisensya ng LTO.

Facebook Comments