Isang 102 taong gulang na lola sa Banaue, Ifugao ang nakatanggap ng 100,000 pesos mula Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Si lola Ortagon Bayawa Aggaher ay residente ng Brgy. Tam-an, Banaue, Ifugao.
Siya ay ipinanganak noong March 20, 1920.
Iniabot ni Ifugao PAT Leader Imelda Tuguinay kasama ang ibang miyembro ng MSWDO, OSCA Head, president ng Tam-an Senior Citizens Association at ang punong barangay ng Tam-an ang 100,000 pesos kay lolo Ortagon sa kanyang tahanan.
Sa ilalim ng Centenarians Act, lahat ng Filipino na makakaabot ng 100 taong gulang, sa bansa man o sa abroad ay makakatanggap ng centenarian gift na 100,000 pesos at letter of felicitation mula sa Presidente.
Facebook Comments