GRADUATE STUDENTS, NAKATANGGAP NG CASH GIFT

16
Nakatanggap ng graduation cash gift ang mahigit na isang libong estudyante (1,000) mula sa Lokal na pamahalaan ng Santiago City.

Sa impormasyon mula sa City Government ng Santiago, mayroong 1,557 na mag-aaral mula sa 17 na Early Childhood Care and Development (ECCD), sa parehong Elementarya at Sekondarya sa lungsod ang tumanggap ng kanilang cash gift ngayong araw.

Ang mga Child Development Center at Kindergarten completers ay nabigyan ng 400 pesos; ang mga Elementary graduates naman ay tumanggap ng 700 pesos; Junior High School Completers at Senior High School graduates ay maroon 1,100 pesos habang ang mga College Scholar graduates ay may 2,000 pesos kada isa.

May kabuuang 11,581 naman ang inaasahan na makakatanggap ng cash gift mula sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Ang nasabing pamamahagi ay magtatagal hanggang sa ika-11 ng Agosto na personal na dadaluhan ni Mayor Alyssa Sheena Tan.

Sinabi ni Mayor Tan na ang mga ipinamahaging cash gifts ay munting regalo lamang para sa mga nagsipagtapos mula sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments