103 pasahero ng barkong sumadsad sa Camiguin, sinagip ng PCG

Na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 103 pasahero ng Super Shuttle Ferry 21 na sumadsad sa Benoni Port sa Camiguin.

Ayon sa kapitan ng barko na si Captain Ian Sumaylo, habang nagmamaneobra siya mula sa Benoni Port papuntang Balingoan Port sa Misamis Oriental, napansin ng chief mate na nakapatay ang kanilang “steering power.”

Nahirapan aniya sila sa pagmaneobra sa barko kaya ito sumadsad.


Sa ginawang inspeksyon, nakumpirma na walang anumang sira ang barko at wala ring oil spill.

Bukod sa 103 na mga pasahero, may karga ring 17 kargamento ang naturang barko.

Inilipat ang mga pasahero at kargamento sa Super Shuttle Ferry 28 patungo sa kanilang destinasyon.

Facebook Comments