Pumalo na sa 12 milyong indibidwal ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay National Task Force Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon, kasama na rito ang isang milyon na nabakunahan sa nakalipas na apat na araw.
Sa ngayon, nasa 17.4 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Filipino para maabot ang population protection.
Facebook Comments