12 medical frontliners sa Aklan at mga naka quarantine sa Aklan Training Center na isinailalim sa COVID-19 test, nag negatibo

Kalibo, Aklan – Negatibo ang resulta sa isinagawang COVID-19 test sa 12 na mga medical frontliners ng Aklan Provincial Hospital.
Ayon kay Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr., Provincial Health Officer I ng PHO-Aklan ay natanggap nila kahapon ang resulta galing sa Western Visayas Medical Center sub national laboratory.
Ang nasabing 12 na mga medical frontliners ay sila ang nag alaga mga pasyenteng nagpositive sa coronavirus na dinala sa provincial hospital.
Samantala, maliban sa mga medical frontliners ay nag negative rin ang resulta sa test ng mga naka quarantine sa Aklan Training Center na kinabibilangan ng 1 German national at 2 seafarers Overseas Filipino Workers.
Dahil sa nag negatibo na ang mga ito ay pwede na silang umuwi sa kani-kanilang mga pamilya.
Sa ngayon ay meron pang 40 na pending ang resulta ng repeat test kung saan kasama rito ang 5 COVID-19 patients na nakarecover na, ang positive pa na 68 years old na taga Brgy. Andagao, Kalibo at ang iba ay mga dating Persons Under Investigation.

Facebook Comments