NORTH COTABATO – Labindalawang mga preso ang muling nahuli matapos tumakas sa district jail sa lalawigan ng Cotabato, kahapon ng madaling araw.Patuloy naman pinaghahanap ang nasa 142 iba pang nakatakas na preso.Sa report – nakatakas ang mga ito kasunod ng pag-atake sa piitan ng rebeldeng moro.Ayon kay Supt. Peter Bongngat, warden ng North Cotabato district jail – isang jail guard at limang preso ang napatay sa insidente gayundin ang isang kagawad na iniimbestigahan pa kung bakit napasama sa bakbakan.Sinabi naman ni Sr. Supt. Emmanuel Peralta, provincial director ng Cotabato police provincial office – nakatanggap sila ng tip na may sasalakay sa kulungan noong bisperas ng bagong taon pero, hindi ito nangyari.Kinumpirma naman ni Col. Tyne Bañas, ng 102nd brigade commander ng Phil. Army, naitinaas na sa heightened alert ang buong region 12 at kalapit na probinsya ng Cotabato kaugnay ng patuloy na hot pursuit operation ng mga otoridad.Sa ngayon, bukod sa Armed Forces of the Philippines handa ring tumulong sa pagtugis sa mga preso ang Moro Islamic Liberation Front o MILF.Lumalabas na dehado ang tropa ng gobyerno dahil 24 lamang ang batay ng BJMP kumpara sa mahigit isandaang umatake sa district jail.
12 Sa Mahigit Isandaang Bilanggong Nakatakas Sa North Cotabato Jail – Nahuli Na, Heightened Alert Sa Region 12 At Kalapi
Facebook Comments