Labing tatlo katao na residente ng ARMM ang minomonitor ngayon ng DOH makaraang nagpabakuna sila ng dengvaxia vaccine mula sa mga private clinic sa Manila,Zamboanga at Cagayan de oro city. Sa panayam ng DXMY RMN Cotabato kay DOH-ARMM Secretary Dr.Kadil Jojo Sinolinding, sinabi nito na dumulog sa kanilang tanggapan ang pamilya ng labing tatlo katao na humihingi ng tulong kung anung dapat gawin nila, gayung umani na nang negatibong epekto sa katawan ng tao ang nasabing dengvaxia. Sinabi pa ni Doc.Sinolinding na dalawa sa labing tatlo na ito, ay nasa na-admit sa CRMC ngunit ang isa ay inilipat sa isang pagamutan sa maguindanao para matutukan, at nasa seryoso umano ang kanilang kondisyon…Idinagdag pa ni Sinolinding na walang naibigay na bakuna sa dengvaxia sa ARMM..Ang 13 ay nagpabakuna sa labas ng AOR ng ARMM. Samantala nanawagan sa mga magulang si secretary Sinolinding,na kung nais nilang kumuha ng opisnion o advice kung anu ang dapat gawin sa naturukan ng dengvaxia ay open umano ang kanyang tanggapann para sa konsultasyon…Huwag daw mag-alala dahil handang tumulong ang DOH sa mga naturukan.
13 katao na taga ARMM naturukan ng dengvaxia sa ibang rehiyon, masusing minomonitor ng DOH-ARMM, dalawa sa kanila nasa hospital na
Facebook Comments