1,377 PASSPORT APPOINTMENTS NAPROSESO SA ISINAGAWANG DFA PASSPORT ON WHEELS SA AKLAN

Kalibo, Aklan – Umabot sa 1,337 passport appointments ang naproseso ng Department of Foreign Affairs DFA sa kanilang isinagawang Passport on Wheels sa lalawigan ng Aklan. Matandaan na ang Aklan Sangguniang Panlalawigan, ipinasa ang resolusyon No. 2022-015 na hinihiling sa Department if Foreign Affairs DFA na malagyan man lang ng kanilang satellite office ang lalawigan para hindi na kailangan pang pumunta ng Iloilo ang mga Aklanon na kumukuha ng passport. Matapos maaprubahan ng SP Aklan ang nasabing resolusyon, kaagad na nagsagawa sila ng negosasyon sa DFA para sa kanilang kahilingan. June 2023, ng makatanggap ang SP Aklan ng impormasyon mula sa DFA Manila, na kasama ang ating lalawigan sa kanilang Passport on Wheels, isang offsite activity ng DFA na naghahatid ng passporting services sa mga mamamayan kung saan matapos ang 2 araw umabot sa 1,337 aplikante dito ang maswerteng naproseso ang kanilang mfa passport applications.
Facebook Comments