14 estudyante at isang guro, patay sa panibagong mass shooting incident sa US

81

15 ang patay kabilang ang 14 na estudyante at isang guro sa insidente ng walang habas na pamamaril sa elementary school sa Texas, USA.

Ayon kay Texas Governor Greg Abbott, isang 18 taong gulang ang suspek na pinaniniwalaang napatay rin ng mga pulis na rumesponde.

Kasunod nito, sinabi ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre na nakarating na kay US President Joe Biden ang pangyayari at nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.


Kinansela na rin muna ng Texas School District ang lahat ng mga programa dahil sa insidente.

Samantala, inaalam pa sa ngayon kung ilan ang mga sugatan na nadamay din sa school shooting.

Facebook Comments