*Cauayan City, Isabela*- Kinumpiska ng mga otoridad at National Meat Inspection Service o NMIS Regional Office 2 ang may kabuuan sa 146 kilo ng imported na karne sa Pampublikong palengke sa Lungsod ng Tuguegarao.
Matatandaang ipinagbabawal sa rehiyon dos ang pagpasok ng karne mula sa labas ng rehiyon.
Ayon kay Dr. Wendell Mark Geron ng NMIS Region 2, nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang concerned citizen na may nagbebenta ng imported na karne sa pampublikong palengke sa lungsod ng Tuguegarao kaya’t agad silang nagsagawa ng inspeksyon sa mga ito.
Nakumpiska kay Ginang Tamang ang 8.2 kilo ng imported na karne na kanyang ibinebenta sa pampublikong palengke habang 138 kilos naman ng imported na karne ang nakumpiska sa warehouse ni Ginang Calabbul.
Dagdag pa ni Dr. Geron, na walang naipakitang dokumento ang mga ito kaya’t kinumpiska ang nasabing mga karne.
Hindi na sinampahan ng reklamo ang dalawang ginang maliban na lamang sa ibinigay na Post Meat Establishment Control Receipt ng NMIS Region 2.
Agad namang ibinaon sa lupa ang mga nakumpiskang imported na karne.