“15-30” | NCRPO Director Albayalde, nagbabalang sisibakin ang mga pulis na tuwing kinsenas at katapusan lang nagpapakita sa opisina

236

Manila, Philippines – Nagbabala si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na sisibakin sa serbisyo ang sinumang pulis na mahuhuling tuwing kinsenas at katapusan lang lamang nagpapakita sa opisina.

Ito ay bunsod ng reklamo laban sa ilang kapulisan na nagpapakita lamang kung araw lamang ng suweldo na mas kilala sa tawag na “15-30”.

Giit ni Albayalde, paiimbestigahan niya ito at sinumang pulis na mahuhuling mga “15-30” ay mahaharap sa kasong administratibo at maaari silang masibak.

Aniya, mawawalan ng bonus ang sinumang pulis na masususpinde habang iniimbestigahan ang alegasyon dito.

Facebook Comments