16 na bahay nasunog sa Boracay

Boracay – Umabot sa 16 na mga kabahayan ang nasunog kahapon ng hapon sa Sitio Cabanbanan, Brgy. Manoc-manoc Boracay, Malay, Aklan.
Base sa data ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Boracay, umaabot sa 11 ang natupok sa sunog at 5 ang bahagyang nasunog.
Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa nirerentahang bahay ni George Peralta at Eusofa Jawad na isang kapatid na Muslim.
Nag responde rin sa lugar ang mga fire volunteers, BFRAV Fire Truck 1, kasama ang mga fire trucks ng Fairways and Blue Water, Savoy, BIWC & BTSI, Mdrrmo Boracay, Red Cross, Brgy. Tanods, PNP, SWAT, MAP, mga Brgy. Officials at iba pa.
Tinatayang nasa mahigit-kumulang Php 225,000 ang inisyal na pinsalang iniwan ng nasabing sunog.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP-Boracay dito.
Facebook Comments