Dating Pangulong Joseph Estrada, nilagyan ng mechanical ventilation

Lumalala pa ang kondisyon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos tamaan ng COVID-19.

Ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada, lumala ang pneumonia ng ama kaya nagpasya ang mga doktor na lagyan ito ng mechanical ventilation dahil tumaas ang oxygen requirement ng kaniyang katawan.

Sa pamamagitan ng mechanical ventilation, umaasa ang pamilya Estrada na hindi mapapagod ang respiratory mechanism ng dating Pangulo na nasa Intensive Care Unit (ICU).


Kasabay nito, humiling si Jinggoy ng panalangin sa publiko para sa agarang paggaling ng kaniyang ama.

Facebook Comments