DICT, naglunsad ng 24/7 complaint center para sa SIM registration

Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang 24/7 complaint center kaugnay sa unang araw ng pag-arangkada ng SIM card registration.

Ayon kay DICT Spokesperson and Undersecretary Anna Mae Lamentillo, magsisilbing support system ito para sa implementasyon ng SIM card registration.

Magagamit ito para makapag-paabot ang mga subscriber ng kanilang reklamo o mungkahi.


Inaasahan na kasi nila na magiging test period ang dalawang unang linggo ng pagpapatupad ng SIM registration.

Asahan na umano ang glitches o technical ng mga public telecommunications entities.

Pero, kumpiyansa naman ang DICT na maisasaayos ng mga telco ang kanilang proseso.

Ang complaint center ay pangangasiwaan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center, ang attached agency ng DICT.

Maaring tumawag sa hotline 1326 para sa mga isyu ng SIM registration.

Facebook Comments