Magiging operational ang ipinasang Maharlika Investment Fund Act sa pagtatapos ng taong 2023.
Sa ulat ng Palasyo ng Malakanyang, may ilang hakbang pang dapat gawin bago masimulan ang ipinasang batas.
Una ay ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations.
Pangalawa ay pagtiyak na may outstanding o magandang track record at proven integrity ang mga miyembro ng board of directors.
Pangatlo ay ang mabilis na pagbuo ng investment at risk strategies para sa epektibo at maayos na pamamahala ng Maharlika Investment Fund.
Panghuling hakbang ayon sa Palasyo ay ang paglulunsad ng local at international investment marketing strategy para maipakilala ang mga Maharlika Investment Fund sa mga potential investor.
Kaninang umaga ay una nang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act 11954 o ang batas na lilikha ng Maharlika Investment Fund kung saan ang kikitain dito ay gagamitin sa pagsustento sa malalaking proyekto ng pamahalaan.