Marcos administration, on track sa pagsisikap na mapaganda ang kalagayan ng bansa at ng mga Pilipino, ayon sa political analyst

Nakikita ng mga tao ang ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang ibig sabihin nito ay nananatiling kuntento ang nakararaming Pilipino sa performance ng pangulo.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Froilan Calilung, Political Analyst at Director ng Local Government Development Institute na nasa tamang direksyon ang gobyeno.

Tinukoy ni Calilung na nakatulong sa magandang pagtingin ng publiko sa administrasyon ang mga programa nito gaya ng Kadiwa at pabahay.


Nakadagdag sa puntos ay ang unti-unting pagbaba ng inflation at unemployment rate.

Ayon pa sa political analyst, malaking bagay rin ang ginawang pagpapakilala ni Pangulong Marcos sa Pilipinas na nakalikom ng potensyal na investors.

Ayon kay Calilung, alam naman ng pangulo na marami pa itong kailangang gawin at ang mahalaga ngayon ay mapanatili ang magagandang programa na nagbubunga at napakikinabangan ng publiko.

Facebook Comments