Pumalo na sa halos ₱2 bilyon ang iniwang pinsala ng nagdaang Bagyong Goring, Hanna at habagat.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sumampa na sa mahigit ₱992 milyon ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura partikular sa Regions 2, 3, 6, MIMAROPA at CAR.
Nasa halos 35,000 mga mangingisda at magsasaka rin ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa bagyo.
Samantala, lumobo pa sa mahigit ₱905 milyon ang pinsala sa imprastraktura sa mga rehiyong 1, 2, 6, MIMAROPA, CALABARZON at CAR.
Habang nakapagtala naman ng ₱2.1 milyong pinsala sa irigasyon sa CALABARZON at MIMAROPA.
Base pa sa datos, nasa 7,813 ang mga tahanang sinira ng magkakasunod na sama ng panahon kung saan 7,478 ang naitalang partially damaged at 335 namang kabahayan ang totally damaged.