RMN Foundation, nagsagawa ng ‘Oplan Tabang’ relief operations sa mga naapetukhan ng Bagyong Julian sa Ilocos Norte katuwang ang Metrobank Foundation at iFM 99.5 Laoag

Nang manalasa ang Bagyong Julian (Krathon) sa bansa, maraming mga kababayan natin ang nasalanta sa probinsya ng Ilocos Norte.

Ilan sa mga apektadong lugar ay nalubog sa baha at naapektuhan ang kanilang mga kabuhayan.

Bilang tulong, nagsagawa ng ‘Oplan Tabang’ relief operation ang RMN Foundation kasama ang radio station nito na iFM 99.5 Laoag katuwang ang Helping Hands team ng Metrobank Foundation noong Oktubre 10-11, 2024 para mag-abot ng tulong sa mga apektadong pamilya mula sa dalawampu’t isang (21) barangay ng mga sumusunod na lugar sa probinsiya:


Municipality of Paoay, Ilocos Norte

  1. Brgy. Nalasin
  2. Brgy. Paratong
  3. Brgy. San Agustin
  4. Brgy. San Roque

Batac City, Ilocos Norte

  1. Brgy. Aglipay
  2. Brgy. Biloca
  3. Brgy. Cangrunaan
  4. Brgy. Caunayan
  5. Brgy. Dariwdiw
  6. Brgy. Nalupta
  7. Brgy. Quiling Sur

Laoag City, Ilocos Norte

  1. 36 Araniw
  2. 37 Calayab
  3. 38-A Mangato East
  4. 38-B Mangato West
  5. 42 Apaya
  6. 3 Nuestra Señora del Rosario
  7. 4 San Guillermo
  8. 7-A Nuestra Señora del Natividad
  9. 7-B Nuestra Señora del Natividad
  10. 30-B Santa Maria

Nakatanggap ang dalawang libong (2,000) pamilya ng food packs na naglalaman ng bigas, biscuit, kape, at meat loaf na de lata. Nakatanggap naman ng hygiene kits mula sa DSWD ang mga Laoageño sa pangangasiwa ng lokal na pamahalaan ng Laoag City.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Municipal Government of Paoay, City Government of Batac, at City Government of Laoag sa RMN Foundation, Metrobank Foundation, at iFM 99.5 Laoag sa tulong na ipinagkaloob sa kanilang mga residente.

Nagpasalamat naman ang RMN Foundation sa Metrobank Foundation, IFM 99.5 Laoag sa suporta at tulong upang maging matagumpay ang isinagawang Oplan Tabang relief operation gayon din sa Municipal Government of Paoay, City Government of Batac, at City Government of Laoag na umalalay sa nasabing hakbang.

𝗕𝗘 𝗢𝗨𝗥 𝗔𝗗𝗩𝗢𝗖𝗔𝗖𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 & 𝗗𝗢𝗡𝗢𝗥 𝗧𝗢 𝗛𝗘𝗟𝗣:

Connect with us through the RMN FOUNDATION PH Facebook, LinkedIn, X, TikTok, and Instagram pages or visit www.foundation.rmn.ph.  You can also call or contact the number 0917-840-9840.

𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦:

BPI Account No. 0071-1015-25 (Account Name: Radio Mindanao Network Foundation, Inc.)

GCash No. 0995-017-6942 (RMN Foundation)

PayPal.me/RMNFoundation

𝑇ℎ𝑒 𝑅𝑀𝑁 𝐹𝑜𝑢𝑛𝑑𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 (𝑅𝑀𝑁𝐹) 𝑖𝑠 𝑡ℎ𝑒 𝑐𝑜𝑟𝑝𝑜𝑟𝑎𝑡𝑒 𝑠𝑜𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑠𝑖𝑏𝑖𝑙𝑖𝑡𝑦 (𝐶𝑆𝑅) 𝑎𝑟𝑚 𝑜𝑓 𝑅𝑎𝑑𝑖𝑜 𝑀𝑖𝑛𝑑𝑎𝑛𝑎𝑜 𝑁𝑒𝑡𝑤𝑜𝑟𝑘 (𝑅𝑀𝑁 𝑁𝑒𝑡𝑤𝑜𝑟𝑘𝑠, 𝐼𝑛𝑐.), 𝑑𝑒𝑑𝑖𝑐𝑎𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑠𝑢𝑝𝑝𝑜𝑟𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑑 𝑓𝑜𝑠𝑡𝑒𝑟𝑖𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑚𝑎𝑛𝑖𝑡𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛 𝑟𝑒𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠ℎ𝑖𝑝𝑠 𝑡ℎ𝑎𝑡 𝑖𝑚𝑝𝑟𝑜𝑣𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑙𝑖𝑣𝑒𝑠 𝑜𝑓 𝐹𝑖𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑜𝑠 𝑡ℎ𝑟𝑜𝑢𝑔ℎ𝑜𝑢𝑡 𝑡ℎ𝑒 𝑐𝑜𝑢𝑛𝑡𝑟𝑦 𝑖𝑛 𝑐𝑜𝑜𝑝𝑒𝑟𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑖𝑡𝑠 𝑅𝑀𝑁 𝑟𝑎𝑑𝑖𝑜 𝑠𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠.

𝑂𝑝𝑙𝑎𝑛 𝑇𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠 𝑎𝑛 𝑅𝑀𝑁 𝑛𝑒𝑡𝑤𝑜𝑟𝑘𝑠’ 𝑒𝑓𝑓𝑜𝑟𝑡 𝑤𝑖𝑡ℎ𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑅𝑀𝑁 𝐹𝑜𝑢𝑛𝑑𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛’𝑠 𝑑𝑖𝑠𝑎𝑠𝑡𝑒𝑟 𝑟𝑒𝑠𝑝𝑜𝑛𝑠𝑒 𝑝𝑟𝑜𝑔𝑟𝑎𝑚 𝑡ℎ𝑎𝑡 ℎ𝑒𝑙𝑝𝑠 𝑖𝑛𝑑𝑖𝑣𝑖𝑑𝑢𝑎𝑙𝑠 𝑎𝑓𝑓𝑙𝑖𝑐𝑡𝑒𝑑 𝑏𝑦 𝑛𝑎𝑡𝑢𝑟𝑎𝑙 𝑜𝑟 𝑚𝑎𝑛-𝑚𝑎𝑑𝑒 𝑑𝑖𝑠𝑎𝑠𝑡𝑒𝑟𝑠. 𝑇𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠 𝑎 𝑉𝑖𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑤𝑜𝑟𝑑 𝑓𝑜𝑟 “ℎ𝑒𝑙𝑝.”

#RMNFoundation #TatakRMN #OplanTabang #ReliefOperation #HelpingHands #JulianPH

 

Facebook Comments