Tinalakay sa pagdinig sa Senado ang patuloy na paglaganap ng text scams.
Dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa pamumuno ni Senator Grace Poe ang mga kinatawan mula sa DICT, NPC, NTC, DOJ, NBI, PNP, GLOBE, SMART/PLDT, DITO, CONVERGE, GCash, DTI, at BSP.
Ayon sa National Privacy Commission (NPC) tinatapos pa nila ang imbestigasyon sa text scams katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Ayon sa NPC, sa ngayon wala pa silang nakikitang insidente ng breaching.
Hiniling naman ni Senator Nancy Binay sa NPC na agad tapusin ang kanilang imbestigayson.
Sa naturang pagdinig, sinabi ni Department Of Information And Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na may nilagdaan silang memorandum of understanding kasama ang Singaporean ICT Ministry para sa pagbabahahinan ng kaalaman sa kung paanong mapagbubuti pa ang digital response sa mga cyber-related issues.
Kapwa naman naniniwala ang NBI at PNP na dapat magkaroon na ng SIM Registration Law para matukoy ang pinagmumulan ng mga text scams.
Makatutulong din ang batas upang makasuhan ang mga nasa likod nito.
Samantala, inirekomenda ng National Telecommunications Commission (NTC) na i-adot ang approach ng International Telecommunication Union (ITU) sa pagtugon sa text scams.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng malawakang public information drive, paggamit ng blocking software/app uoang masala ang mga unwanted messages mula sa hindi tukoy na source, pagkakaroon ng SIM Registration Law, paghikayat sa publiko na na sundin ang payo ng gobyerno kapag nakatatanggap sila ng unwanted messages at palagiang i-upgrade ang kanilang IOS para makaiwas sa malware at virus attacks.
Pinayuhan ni Sen. Poe ang NTC at mga telco na ipagpatuloy ang kanilang information drive at palakasin pa ang pagsasagawa ng text blasts na nagbibigay paalala sa publiko.
Nagkaisa ang mga partido na dumalo sa pagdinig na suportahan ang SIM registration law.
Present din sa pagdinig sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito at Jinggoy Estrada.