Kalibo, Aklan- Nakaquarantine ngayon ang dalawang personnel ng MDRRMO at dalawang staff ng MHO Kalibo matapos makasalamuha ang 48 anyos na OFW na nagpositibo sa COVID19.
Agad naman silang kinuhanan ng swab sample at ipinadala sa Western Visayas Medical Center at hinihintay pa ang resulta nito.
Ayon kay Kalibo Inter Agency Task Force on Covid 19 incident Commander Terrence Jun Toriano, na nasa isolation protocol ang buong opisina at Staff ng MDRRMO kung saan limitado din ang pagtanggap ng mga bisita sa kanilang tanggapan.
Nagpaalala din si Toriano na huwag mangamba ang publiko kung naka full PPE suit ang kanilang personnel sa tuwing may responde kahit na hindi Covid-19 related tulad ng mga aksidente at iba pa.
Nililimitahan na rin umano ang kanilang personnel sa operasyon at tig dadalawa na lamang para kung sakaling may makasalumuha man ito na Covid-19 patient ay kunti lang ang magkaquarantine.
Sapagkat sa oras na maquarantine lahat ng kanilang personnel ay walang alternatibong hahalili sa mga ito na may kaukulang training at kaalaman sa operasyon at pagresponde sa mga kalamidad at ibang insidente.
2 MDRRMO PERSONNEL, 2 STAFF NG MHO NAKAQUARANTINE MATAPOS MAKASALAMUHA ANG OFW NA NAGPOSITIBO SA COVID 19 SA KALIBO
Facebook Comments