2 patay, sa magkahiwalay na pamamaril sa Pasig City

Manila, Philippines – Dead on the spot ang 2 biktima matapos pag babarilin ng hindi pa nakilalang mga suspeksa magkahiwalay na lugar sa Pasig City kagabi.

Unang napatay ang isang brgy. tanod na nakilalang si Rodrigo Rebadulya 53 sa Dr. Pilapil St. Brgy Sagad Pasig City.

Ayon sa anak ng biktima, pinasok sila sa loob ng bahay at nakita nya kung paano tinadtad ng bala ang ama.


Kasunod nito babarilin din sana ang bata pero hindi ito itinuloy ng gunman at tinutukan lang ang baril.

Samantala sa kaparehong brgy, partikular sa Dogde St., 5-6 na lalaki ang bumaril sa isang empleyado ng Pasig City Hall.

Si Sumilang ay empleyado ng City Environment and Natural Resources ng city hall.
Sangkot umano sa iligal na droga pero matagal ng tumigil sa pag gamit ng shabu ayon sa step son nito.

DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments