2 Pinay, nakatawid na rin ng Jordan mula sa West Bank

Inasistehan ng Philippine Embassy sa Amman, Jordan ang dalawang Pilipinang lumikas mula West Bank.

Mula Jordan ay lilipad naman patungong Pilipinas ang dalawang Pinay.

Sa ngayon, 123 pang mga Pinoy ang naiwan sa West Bank kung saan 91 sa kanila ay nakapag-asawa ng Palestinian nationals.


Mayroon ding siyam na madreng Pilipino ang kasama sa mga naiwan sa West Bank.

Inabisuhan na rin sila ng Philippine Embassy sa Jordan para maghanda sa paglilikas.

Facebook Comments