2 sundalo patay sa pananambang ng NPA sa North Cotabato

152

Patay ang dalawang kasapi ng 19th IB matapos tambangan ng mga armado sa Sitio Bukatol Brgy Kinawayan, Arakan Cotabato mag aalas singko kahapon.
Sakay ng XRM ang mga sundalong kinilala na sina PVT LENDO C BORJA, 26 yo, residente ng Brgy. Balod, Saint Bernard, Southern Leyte at PVT Jame Paul M Devara, 24 yo, at residente ng Brgy. Socorro, Catbalogan, Samar kapwa mga kasapi ng 19th IB
Siansabing nagmula sa kanilang Command Post, ng ALPHA Company ang mga sundalo para I coordinate ang gagawing Peace Rally sa Brgy. Kinawayan, Arakan ngunit agad na tinambangan at paulanan ng bala. Narecover sa area ang 4 fired Cartridges Case at Three (3) unfired cartridges ng M16 Riffle.
Matatandaang noong nakaraang araw idineklarang persona non grata ang NPA sa Brgy Kinawayan ng mga residente sabay sunog pa ng bandila ng mga rebelde
Pic : Abner Francisco

Facebook Comments

From Advertisers