REGULAR NA FLUSHING OPERATION, ISINAGAWA SA BAYAMBANG PUBLIC MARKET

Muling nagsagawa ng flushing operation sa Wet Section ng pamilihan bayan ng Bayambang.

Sa tulong ng magkatuwang na puwersa ng mga kawani ng Special Economic Enterprise (SEE) at Bureau of Fire Protection (BFP) Bayambang, nalinis at nahugasan ang mga pasilidad sa naturang bahagi ng palengke na karaniwang dinaragsa ng mga mamimili at manininda.

Para ito sa pagiiwas maipon ang dumi, mapigilan ang pagkalat ng mabahong amoy, at mapanatili ang maayos na kondisyon ng pamilihan.

Bahagi rin ito ng patuloy na hakbang upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng publiko habang namimili at naghahanapbuhay sa palengke.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments