Tuesday, June 23, 2026

Ilan pang irrigation project sa Bohol, malapit nang matapos — PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit nang makumpleto ang ilang proyektong irigasyon sa Bohol upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa mga sakahan at mapalakas ang produksyon ng pagkain.

Ayon sa pangulo, mahigit 84 porsiyento nang tapos ang Bonot-Bonot Irrigation Project sa Buenavista, habang malapit na ring makumpleto ang Hibale Irrigation Project sa Danao.

Patuloy rin ang pagpapatupad ng Malinao Dam Improvement Project sa Pilar, Catungawan Irrigation Project sa Guindulman, at Mandaug Irrigation Project sa Calape.

Makikinabang aniya rito ang mahigit 2,400 magsasaka at libu-libong ektarya ng sakahan sa lalawigan.

Bilang paghahanda sa El Niño, hinikayat din ng pangulo ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na mas kaunti ang pangangailangan sa tubig gaya ng pakwan, luya, ube, mani at talong.

Facebook Comments