Wednesday, June 24, 2026

AKSES SA KOLEHIYO PARA SA MGA PWD, ISINUSULONG SA PANGASINAN

Nakipag-ugnayan ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pozorrubio sa PDAO Pangasinan at isang unibersidad sa lalawigan para isulong ang mas malawak na akses sa edukasyon para sa mga Persons with Disability (PWD).

Ayon sa PDAO Pozorrubio, bubuksan nito ang pagkakataon para sa agarang pag-enroll ng mga kwalipikadong estudyante sa nasabing unibersidad, partikular umano ang mga may kapansanan sa paningin na nagnanais makapag-aral sa kolehiyo.

Samantala, inaasahan namang magbibigay ng kinakailangang suporta ang PDAO Pangasinan para asistehan ang mga mag-aaral na makumpleto ang kanilang pag-aaral at makapagtapos.

Bahagi umano ang naturang inisyatiba sa pagsusulong ng inklusibong edukasyon para sa mga PWD sa lalawigan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments