2 WANTED SA KASONG CARNAPPING, ARESTADO

24

Kalibo, Aklan- Arestado ang dalawang lalaki sa kasong Carnapping alas 4:00 ng hapon kanina sa C. Laserna St., Pob. Kalibo, Aklan. Kinilala ang mga akusado na sina Val Dela Rosa at Archy Dela Cruz, sa legal na edad at parehong residente ng nasabing lugar. Nahuli ang mga ito sa isinagawang joint operation ng Kalibo PNP, CIDG at HPG Aklan sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest. Si Dela Rosa at Dela Cruz ay may kasong paglabag sa RA 10883 o Anti- Carnapping Act of 2016 na may Criminal Case No. 15552 na ipinalabas ni Hon. Bienvinido P. Barrios Jr., Regional Trial Court, Kalibo, Aklan, 6th Judicial Region noong October 19, 2020. Napag alamang nagnakaw umano ng motorsiklo ang dalawang akusado. Samantala, P300,000 naman ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ay nakatakdang iturn-over ang mga ito sa korteng kinauukulan.

Facebook Comments