2,000 residente, apektado ng landslide sa Sarangani province

Manila, Philippines – Umabot na sa dalawang libong residente ng naapektuhan ng pagguho ng lupa kasunod ng walang humpay na pag-ulan sa Alabel, Sarangani Province.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Biyernes naganap ang landslide makaraan ang limang oras na tuluy-tuloy na pag-uulan sa bulubunduking bahagi ng nabanggit na lugar.

Pahirapan din ang mga dumaraang sasakyan dahil sa humambalang na makakapal na putik sa daan.


Apektado rin ang magpagkukunan ng malinis na suplay ng tubig.

Dahil dito, pinag-aaralan na ang pagdedeklara ng State of Calamity sa naturang barangay.

Facebook Comments