Aprubado na sa Senate Finance Subcommittee ang 2023 budget ng Governance Commission for Government-Owned-and-Controlled Corporations (GCG).
Aabot sa ₱245.7 million ang pondo sa susunod na taon ng GCG na mas mataas ng ₱50 million kumpara ngayong 2022.
Sa budget na ito ₱97.28 million ang alokasyon para sa personnel services habang ₱148.42 million sa maintenance and other operating expenses (MOOE).
Ayon kay GCG Director Johann Carlos Barcena, ang pondo para sa personnel services ay para lamang sa 74 na mga empleyado o 33% ng kabuuang tauhan ng GCG.
Posibleng kulangin ito dahil may plano ang commission na punan ang bakanteng 157 authorized positions.
Wala namang inilagay na alokasyon ang Department of Budget and Management (DBM) sa capital outlay na may orihinal na proposal na ₱20.5 million.