23-anyos na Magsasaka, Huli sa Pag-iingat ng ‘Di Lisensyadong Baril

Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang magsasaka matapos mahulihan ng baril na walang kaukulang dokumento kahapon, Abril 24,2022 sa Nagtipunan, Quirino.

Kinilala ang suspek na si Richard Bugtong,23-anyos, isang magsasaka at residente ng Purok 4, Brgy. Landingan sa nasabing bayan.

Batay sa report ng PNP Nagtipunan, dakong alas-5:30 ng hapon noong ika-24 ng Abril nang dakpin ng mga pulis si Bugtong matapos itong mahulihan ng isang improvised caliber 22 firearm na kargado ng isang bala.

Napag alaman na bago ang pag-aresto, isang concerned citizen ang sumita sa suspek na huwag magkalat ng mga bato sa gitna ng daan na ikinagalit ng una.

Dali- dali umanong umuwi ito sa kanilang bahay at pagbalik nito at may bitbit ng baril at dito kinompronta ang sumita sa kanya hanggang sa mag-agawan sila ng baril.

Agad na nadakip ang suspek matapos rumesponde ang mga kasapi ng Nagtipunan PNP.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at paglabag sa Omnibus election Code ang suspek na ngayon ay nasa pag iingat pa rin ng nasabing himpilan.

Facebook Comments